Gaano nga ba kahalaga sa isang bansa ang isang wika? Paano nito napagbubuklod ang kanyang mga mamamayan? At bakit ang isang nagkakaisang wika ang daan sa pag-unlad nang isang bansa?
Ang Pilipinas ay isang watak-watak na kapuluan na nahahati sa tatlong pangunahing isla ang Luzon, Visayas at Mindanao. Bawat isla ay may natatanging tradisyon, kultura at paniniwala lalong-lalo na ang diyalekto. Luzon ang pinaka malaking isla ng bansa at binubuo ng limang rehiyon, Ilokano, Tagalog, Bikolano, Agta, Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Ivatan at iba pa ang mga pangunahing diyalekto ng mga tao.

Ang rehiyon naman ng Visayas na binubuo naman ng mga mas maliliit pang isla tulad ng Samar, Leyte, Negros, Cebu, at Bohol. Ang mga pangunahing dayalekto ay Waray-Waray, Cebuano, Capiznon, Hiligaynon, Boholano, Ilongo at iba pang local na diyalekto.
Samantalang Chavacano, Yakan, T’boli, Tausug, Surigaonon, Mandaya, Mamanwa, Magindanaon, Davaweño at iba pa ang mga pangunahing diyalekto ang sa Mindanao.
Subalit ano nga ba ang pagkakaiba ng wika at diyalekto? Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipag komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Ito ay kalipulan ng mga simbolo, tunog at kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan ,damdamin at hangarin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
Nahahati naman sa apat na varyasyon ang wika ang una ay ang dayalekto, ito ay ang pagkakaiba-iba ng baryasyon sa loob ng isang particular na wika. Ang pangalawa ay ang idyolek o ang nakagawiang paraan sa pagsasalita ng isang individual o ng isang pangkat ng mga tao. Ito rin ay ang sariling estilo sa paggamit ng isang indibidwal ng kanyang wika. Ang pangatlo ay sosyolek na baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa mga pangkat na kanyang kinabibilangan. At ang pang-apat ay ang register o ang baryason ng wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit sa wika. Ito ay nagkakaroon ng pagbabago ayon sa tono ng kausap, paksa na pinag-uusapan o kaya namay sa paraan ng pag-uusap.
Ang wika ay isang mahalagang instrumento sa buhay ng tao maging ito man ay sa larangan ng ekononiya, relihiyon, pulitika, edukasyon, panlipunan at iba pa. Ito ay nagsisilbing daan sa pambansang pagkakaisa at kaunlaran ng ating bansa.
Minsan nang napatunayan na ang nagkakaisang tinig ay susi sa pagbabago, ito rin nagsisilbing mabisang sandata laban sa mapang-aping lipunan at nagiging instrumento upang maipahayag ang mga mumunting hinaing ng ating mga maliliit na kababayan.
Ang isang bansang may nagkaka-isang wika ay isang maunlad na bansa. Sa kalagayan ng Pilipinas isang malaking suliranin ang pagiging hiwa-hiwalay ng ating kalupaan dahil nagiging watak-watak din ang ating wika. Mas nangingibabaw ang ibat-ibang diyalekto sa bawat probinsya at bayan.
Bagaman mayroon tayong wikang pambansa di natin maitatangi ang katotohanan na may ibang lugar na hirap intindihin o magsalita ng wikang Filipino. Ito ay isang malaking balakid sa ating kaunlaran, sa ating pambansang pagkakaisa at sa ating pagkakakilaalan bilang mga Pilipino.
Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit mabagal ang pagsulong ng ating bansa. Napag-iwanan na ng ating mga karatig bansa ang Pilipinas sa maraming bagay. Patuloy na naghihirap ang mga Pilipino samantalang patuloy ang pagyaman ng mga mayayaman.
Ikaw bilang isang Pilipino sapat naba ang kaalaman mo sa tamang paggamit ng wika? Ito ba’y makabuluhan o ito’y iyong ginagamit sa walang kabuluhang bagay? Pakatandaan na kaakibat ng ating kalayaan at kasarinlan ang wika, tinig upang maipahayag ang ating sarili sa nais nating paraan na naaayon sa batas at sa ating pagkakakilanlan bilang isang bansa