Noong nakaraang Abril 2013, naghain ng isang resolusyon ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na naglalayong muling gamitin ang Filipinas imbes na Pilipinas. DAgdag pa ng komisyon, mas makakatulong ito upang mas maunawaan natin ang ating kasaysayan at kultura.
Matatandaan na ayon sa kasaysayan, ang mga dayuhang Kastila ang unang nag-pangalan sa ating bansa bilang Filipinas, sa loob ng tatlong siglo dito mas nakilala ang ating bansa, ang Filipinas din ang ginamit nang unang ideklara ang ating kasarinlan. Nang dumating ang mga Amerikano tinawag naman nila tayong Philippines o Philippine Island, tapos ay naging Pilipinas, ang tagalog na bersyon ng Filipinas na mula naman sa lumang alpabeto.
Maraming panig ang sumang-ayon at komontra sa pinanukalang resolusyon ng KWF, ngunit isa lang ang siguradong tama, ang pag-palit ng pangalan ng ating bansa ay magbubunga ng pagkalito, isang nasyonal na suliranin sa ating kakanyahan bilang isang bansa at bilang isang Filipino.

Mapipilitan din tayong baguhin ang ating konstitusyon at ipa-imprenta ulet lahat ng pera, dokumento, resibo at mga aklat. Malaki ang gagastusin ng ating gobyerno at tatapyasin to sa pondo ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura at iba pa. Papasanin na naman ni Juan dela Cruz ang dagdag pasakit na to.
Ngunit sa kabilang banda, di ba sumagi sa isipan natin na ang pag-gamit ng Pilipinas ay maituturing nadin na parte ng ating makulay na kasaysayan sapagkat ang pagbabago o ang pabago-bagong pangalan ng ating bansa ay bunga ng mahabang pananakop sa atin ng mga kanluranin.
Marahil nga ay maaaring mabago ang isang titik sa pangalan ng ating bansa, ngunit kaya ba itong ikalaman-tiyan ng ating mga kababayang nagugutom? Kaya ba nitong pigilan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan? Magagamit ba ito ng mga estudyanteng nangangarap mag-aral? Hindi nga ba’t may mga mas importanteng isyu at suliranin ang ating bansa na mas dapat nating pag-tuonan ng pansin?
Hindi kaya nililihis lang tayo ng isyung ito sa mga pangakong dapat ay naisasakatuparan na sa ngayon o sadyang marami nang nagawa at naisakatuparan ang kasalukuyang administrasyon para patulan pa ang ganito kababaw na panukala? Sa bandang huli ang kasaysayan ay lumipas na, di na maaaring balikan, bagkus mas paghandaan natin ang hinaharap at kasalukuyan sapagkat ito ang bubuo sa magiging takbo ng ating kasaysayan at kasarinlan.