May mga bagay at taong mawawala sa ating buhay, kailangan nilang mag-paalam upang makatayo tayo sa ating sariling mga paa, upang mangibang bayanmpara mahanapin ang magandang buhay at tuparin ang kanilang mga pangarap, at tahakin na ang isang bagong landas kasama ang iba pang mga karakter na mas magpapakulay pa sa kanilang buhay.
Masakit ang isang paalam lalo na kung ikaw ay napalapit na at napamahal sa mga taong dati mong kasa-kasama sa hirap at ginhawa. Ang pamamaalam sa isang matalik na kaibigan na mangingibang bayan upang hanapin ang kanyang mga pangarap ay kasing sakit sa pagkawala ng isang kapamilya. Tulad ng pamamaalam sa iyong mga kaeskwela pagkatapos ng apat na taon nyong pinagsamahan sa kolehiyo. Masakit subalit ika nga kailangang mag move-on. Pero darating at darating yung oras na mangungulila ka sa kanila, mamimiss mo yung mga sandaling may di kayo pinagkakaintindihan, yung moment na cramming kayo sa mga school projects, presentations, exams at thesis. Yung mga moments na sabay-sabay kayong nagtatawanan sa klase kasama ang mga ‘kaclose nyong propesor’ tapos gigimik at gagala kayo sa mga vacant periods nyo sa mall maski alam nyong wala kayong pera.

Aaminin kong hindi ko naappreciate yung mga una at pangalawang taon na kasama ko sila sa college, pero habang tumatagal ang panahon ng aming pagsasama ay unti-unti silang napalapit sa aking puso. Isang pamilya na handa mong lapitan sa oras ng kagipitan sa exams, isang pamilya na handa kang ipresent sa attendance maski wala ka, isang pamilya na nagkaka-isa maski may di pag-kakaunawaan sa isat-isa. Sila yung nagturo sa akin ng mga bagay na di ko natutunan sa mga kaklase ko nung high school, sila yung nagbigay respeto at tiwala sa aking mga kakayahan, na kaya kong makipagsabayan sa mga mas magaling pa sa akin pagdating sa aming larangan, sila ang mga taong nasa likod ng mga matatawag kong “masterpiece” na mga dokumentaryo, short films, commercials, advocacy campaigns, print ads, radio programs, radio drama at ads, at iba pa. Sila ang dahilan ng pagpoporsige kong matuto pa ng mga bagay para sa ikakaganda ng aming mga outputs.
Ang huling taon ang pinaka-tumatak sa akin, sabi nga save the best for last. Dito ko sila mas nakilala at ditto rin nila ako mas nakilala. Alam ko na darating talaga sap unto na magkakahiwalay kame kaya naman ayaw ko ng mas mapalit sa kanila para magaan lang ang pagpapaalam pero nagkamali ako sapagkat sa huli kong taon sa kolehiyo ay mas nadagdagan pa ang aking pamilya sa loob at labas ng Unibersidad. Sumali uli ako sa The Bicol Universitarian, the official student publication of Bicol University. Sinabi ko sa aking sarili na sasali ule ako makapag-lingkod din ako sa aming Universidad as a campus press pero higit pa roon ang aking nakuha, isang pamilya at mga bagong kaibigan ang aking natagpuan sa apat na sulok nang aming opisina. Mas lalo pang lumawak ang aking karanasan dahil na din sa Unibe, nagkarron kame ng mga events tulad ng Rayterista 5.5 at 6 na aking huli na rin. May mga pagkakataon din na pinadala kame sa Naga para mag cover ng ABS-CBN Newscasting competition, at dahil dito nakakuha ako ng pagkakataon para makilala at Makita ang mga news and current affairs personality ng ABS-CBN Bicol. Sa pagsisimula din nang taong ito isa na namang malaking event ang nagging kabahagi ako, ito ay ang Regional Tertiary Schools Press Conference (RTSPC) na ginanap sa Bagasbas Beach, Daet, Camarines Norte. Dito ko nakilala si sir Arvs na naginvite din sa akin para pumunta sa event. Di naman ako official delegate kasi di rin naman ako mahilig sumali sa mga contest pero masaya ako sapagkat kahit papano pala ay na appreciate nila ako sa pag-gawad nila sa akin ng Artist of the Year award. Masaya ang experience nay un at masasabi kong iyon ang isa sa pinaka maganda at makulay na pahina ng aking buhay, isang alaalang babaunin ko sa aking pagtatapos sa darating na Marso.
Sa mga huling buwan at araw ng aking buhay kolehiyo ay pawing mga masasayang alaala ang aking ginawa, masaya ako sapagkat maluwalhati ang aming paghihiwalay, walang sama ng loob, walang galit, walang di pagkakaunawaan. Puros halakhakan at matatamis na alaala ang tatatak sa aming mga isipan. Alam kong sa mga nalalabing sandal nay un ay pare-parehas ang nasa isip namen, malapit na kaming magkahiwalay at kanya-kanya na kame pagkatapos ng araw ng Graduation, kanya-kanyang daan na ang aming tatahakin sa buhay patungo sa katuparan nang aming mga parangarap at misyon sa buhay. Masakit pero kailangang maganap ang araw na di na kame pipila sa registrar para mag-enrol, para magpapirma ng clearance, para magsubmit ng mga projects, para mamroblema sa mga exams at sa aming thesis. Mahirap ang buhay nang isang estudyante lalo na kung wala namang nagpapaligaya sa personal mo, subalit sa pagmamahal at samahan ng isang magkakaibigan ay nagawa kong lampasan ang mga hamon at unos ng buhay kolehiyo, di man ako gumdweyt na with flying colors, higit pa sa isang plake at awards ang aking nakamtan sa kanilang piling. Pamilya at isang komunidad, yan an gaming nabuo sa loob nang apat na taon halos 9 na semester, apat na araw ng mga puso, apat ng pasko ang aming pinagsamahan at hindi mabilang na mga halakhakan at alaskahan at mga matatamis na alaalang naka imprenta sa mga larawan ang aming babalik-balikan sa mga darating pang panahon.
Tunay nga na minsan ay kailangan nating magpaalam sa mga taong ating naging sandigan at karamay sa ating mga ups and downs, pero isa ang tyak sa mundong ito, napakaliit ng ating ginagalawang mundo, darating at darating ang sandaling kayoy muling magsasama-sama, di man ito katulad ng dati subalit ang inyong mga alaala ang magsisilbing tulay upng buoin muli ang mga sandaling di kayo magkasama. Ang mga masasayang alaala rin ang magpapatunay na sa mga darating pang panahon ay may mas lalo nyo pang patatatagin at iingatan ang nabuong samahan saan mang dako ka ng daigdig magtungo.