Sinasabi sa sa ginawang sarbey noong Hulyo ng taong 2010 na tinatayang ang populasyon ng Pilipinas ay humigit kumulang sa 99, 900, 177 at pinapangambahan pang lalong lulobo sa darating pang 50 taon kahit pa limitahan ng mag-asawa ang kanilang magiging anak sa dalawa. At ang tinuturong dahilan nito ay ang mga kabataang edad 15-24 na maagang nabubuntis at pinapasok ang buhay pamilya. Subalit ang mga batang magulang na ito ay hindi pa lubos na handa sa mga responsibilidad na kaakibat ng desisyon nilang ito. Kahirapan, ito ang nagiging resulta ng desisyong ito, kahirapan di lamang sa penansyal na aspeto kundi pati sa pisikal at mental na aspeto. Sa ating modernong mundo ngayon, hindi bat mas nagiging mapupusok ang ating mga kabataan, silay mulat na mulat sa mga immoral na gawain dahil na din sa mas pinadaling access sa internet at media. Isama pa dyan ang implewensya ng kanilang mga kabrkada o kaibigan. Ang kawalan at kakulangan sa edukasyon at ang maling pag-gagabay ng mga magulang sa kanilang mga anak.
LAYUNUN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon makakalap ng impormasyon tungkol sa mga epekto ng teenage pregnancy sa mga kabataan. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin para makabuo ng kongkretong impormasyon para maging aral at magmulat sa mga mata ng kabataan sa mga di magagandang epekto ng teenage pregnancy.
Ang mga nasabing epekto ng teenage pregnancy ay hahatiin sa aspekto ng:
- Pag-aaral
- Kalagayang- sosyal
- Kalusugan
- Kinabukasan
Kahalagahan ng pag-aaral:
Sa kabataan ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagmulat ng mg kabataan sa mga masamang maidudulot ng sobrang kapusukan ng pakikipagtalik ng mga kabataan ng walang lihitimong basbas ng kasal.
Sa mga magulang ang pananaliksik na ito ay makakatulong magbigay ng impormasyon at ideya sa pag-gabay at pagdisiplina sa kanilang mga anak sa paraang di nila daramdamin ang inyong mga payo at pangaral na hahantong sa pagrerebelde.
Sa pamahalaan at Komunidad maaring magamit ang pag-aaral na ito upang makontrol ang lumalaking populasyon ng bansa sa pamamagitan ng pagliit ng insidente ng teenage pregnancy. Ang mga datos sa pag-aaral na to ay maaaring gamitin sa pagmulat ng kamalayan ng nakararami tungkol sa teenage pregnancy.
Sa sarili maaaring magamit ang pag-aaral na to para na rin sa ating sarili, na lahat n gating ginagawa ay may kaakibat na resulta, na an gating kapusukan minsan ay di maganda at lahat ng to ay may kaakibat na responsibilidad na dapat nating panagutan.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa College of Arts and Letters na kung saan nanduon ang 50 estudyante ng Journalism I-A ang aming napagtanungan. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa sanhi, sintomas, epekto ng teenage pregnancy sa pangkalahatan kung saan deskriptivong paraan ang gagamitin sa paglalahad ng nakuhang impormasyon. Ang pananaliksik ay mangyayari sa buwan ng pebrero hanggang marso, sapat para makagawa ng sarbey at makabuo ng kongklusyon.
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang teenage pregnancy o pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19 ay isang malawakang isyu hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ayon sa estadistika ng Save the Children, 13 milyong babae sa iba’t ibang parte ng mundo ang nabubuntis sa edad 20 pababa taun-taon. Dahil dito, malawakang kampanya ang ginagawa ng mga gobyerno upang ibaba ang bilang ng kaso ng teenage pregnancy. Sa datos noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan, pito sa sampung buntis na babae ay hindi bababa sa 19 ang edad.
Pinatunayan ito ng World Bank at sinabing ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mga batang ina. Sa Pilipinas, malaking porsyento ng mga kabataang maagang nabubuntis ay nabibilang sa low-income generating group. Dahil wala pa sa hustong gulang, karamihan sa mga kabataang maagang nabubuntis ay hindi nagpapakasal. Napipilitan din silang tumigil sa pag-aaral hanggang makapanganak. Ngunit, marami sa kanila ang tuluyan nang humihinto sa pag-aaral upang magtrabaho.
Ang lumalaking bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis ay sinasabing sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ang lumulobong populasyon at kawalan o limitadong kakayahan ng mga kabataan na suportahan ang kanilang mga anak ay isa sa mga nagiging dahilan ng lumalalang kahirapan sa bansa. Sa madaling sabi, mas maraming maagang nabubuntis, mas tumataas ang antas ng kahirapan.
Sa ibat-ibang bansa ang maagang pag-aasawa ay itinuturing na tradisyon kung saan dito nagmumula ang mataas na porsyento ng pagtaas ng teenage pregnancy. Sa mga Sub-Saharan African na lugar ay itinuturing na biyaya ang maagang pagbubuntis at senyales na fertile ang isang babae o may kakayahan na syang magdalang tao. Sa mga Indian Sub Continent naman ay natural na tradisyon ang pag-aasawa ng maaga sa mga liblib na lugar kumpara sa mga lungsod.
Maraming rason kung bakit maagang nabubuntis ang mga kabataan, subalit ang itinuturong pinakadahilan nito ay di sinasadyang nabuntis dulot ng peer pressure o ang pagpapadala sa mga taong nakapaligid lalo na sa mga kaibigan o emotional blackmail na ginagamit ng kanilang kasintahang lalaki sa babae kung saan mapapatunayan daw ang pagmamahal sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Sinasabi rin na kung ang isang dalaga ay may kasintahang lalaki na higit o mas matanda sa kanya ay mas medaling ma emotional blackmail. Kahirapan sa pamilya na humahantong sa pagrerebelde ng kabataan. Medya, ang internet telebisyon ay dahilan ng pagmulat ng kaisipan ng mga kabataan sa sex at higit sa lahat ay ang Kakulangan sa Edukasyon kung saan kulang ang nalalaman ng isang kabataan sa tamang gawain.
Epekto ng Teenage pregnancy
- Pisikal, Mental, Emosyonal at Sikolohikal na Suliranin dulot ng teenage pregnancy sa mga kaanak, magulang at sa mga bata. Dahil sa hindi handang katawan at kakulangan sa kaalaman ng kabataang ina malaki ang posibilidad na magkaroon ng premature birth, at iba pang komplikasyon s pisikal at mental.
- Sakit na kaugnay maraming sakit sa katawan ang pwedeng makuha sa maagang pagbubuntis katulad ng ( chronic, respiratory diseases at body impairments) Lalo na ang STD o sexually transmitted disease.
- Pagkasira ng Kinabukasan ang maagang pagbubuntis ay maaaring magdulot nang sapilitang pagtigil ng kabataan sa pag-aaral na maaaring magdulot ng pagkasira ng magandang kinabukasan.
- Aborsiyon dahil sa di sinasadya ang pagbubuntis ay ipapalaglag nalang ang bata.
Solusyon sa teenage pregnancy
- Contraseptives at Family Planning ito ay ang paggamit ng condom o birth control pills atbp. Ay isang uri ng pagpigil ng magang pagbubuntis, subalit mas madali ang family planning.
- Pagpapatibay ng Relasyon mahalagang panatilihing buo ang relasyon ng teenager sa pamilya at panatilihin ang pananampalataya at pagtutok sa pag-aaral.
- Pagtuturo sa Kabataan sa Sekswalidad ang pagkakaruon ng awareness programs tungkol sa sex education at kung papaano mahahawakan ang adolescent period ng mabuti ay makakatulong ng malaki sa para matigil ang pagkakaruon ng maagang pagbubuntis at ang pagsuong ng kabataan sa pre-marital sex.
Pamamaraan ng pananaliksik
Ang palarawang pnanaliksik ay kinapapalooban ng mga datos na sasagot sa katanungan hingil sa teenage pregnancy. Ang pangunahing layunin ng pagaaral na ito ay malaman kung gaano kalawak ang pananaw ng mga mag-aaral sa kasalukuyan.
Mga Respondent
Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na Maagang Pagbubuntis ng mga Kabataan ay natamo sa pamamagitan ng pangangalap ng datos at pagkuha ng pananaw at opinion ng mga mag-aaral.
Talahanayan ( Bilang ng Respondent sa Pag-aaral)
1.Sa iyong palagay ano/sino ang pinaka nakakaimpluwensya para mamulat o maudyok ang mga kabataan sa pre-marital sex?
Ang instrumentong aming ginamit upang maisakatuparan ang pagaaral na ito ay ang pagkalap ng mga datos at pagkuha ng pananaw ng bawat mag-aaral.
Balangkas na Teoritikal
Sandigan ng balangkas teoritikal na ito ang pag-aaral at pag-aanalisa ng mga suliranin at ang solusyon ng maagang pagbubuntis sa Pilipinas. Ang balangkas na ito ay nagpapakita ng mga maaaring maging epekto ng maagang pagbubuntis ng mga menor de edad sa bansa.
BiBliograpiya
http://group2filipino.blog.com
http://en.wikipedia.org/wiki/Premarital_sex
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Teenage_pregnancy
http://wiki.answers.com/Q/What_is_the_meaning_of_adolescent_period
http://en.wikipedia.org/wiki/Teenage_pregnancy