Sa isang bansang higit ang pagpapahalaga sa moralidad ng kababaihan at nakatali sa mga aral at doktrina ng simbahang katolika, di nga bat nakakapangamba ang paglaki ng bilang ng mga batang ina at magulang na humahantong sa paglaki ng populasyon at ang tinuturong puno't dulo nito ay ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa maagang pakikipag talik.
Sinasabi sa sa ginawang sarbey noong Hulyo ng taong 2010 na tinatayang ang populasyon ng Pilipinas ay humigit kumulang sa 99, 900, 177 at pinapangambahan pang lalong lulobo sa darating pang 50 taon kahit pa limitahan ng mag-asawa ang kanilang magiging anak sa dalawa. At ang tinuturong dahilan nito ay ang mga kabataang edad 15-24 na maagang nabubuntis at pinapasok ang buhay pamilya. Subalit ang mga batang magulang na ito ay hindi pa lubos na handa sa mga responsibilidad na kaakibat ng desisyon nilang ito. Kahirapan, ito ang nagiging resulta ng desisyong ito, kahirapan di lamang sa penansyal na aspeto kundi pati sa pisikal at mental na aspeto. Sa ating modernong mundo ngayon, hindi bat mas nagiging mapupusok ang ating mga kabataan, silay mulat na mulat sa mga immoral na gawain dahil na din sa mas pinadaling access sa internet at media. Isama pa dyan ang implewensya ng kanilang mga kabrkada o kaibigan. Ang kawalan at kakulangan sa edukasyon at ang maling pag-gagabay ng mga magulang sa kanilang mga anak.